PUP - Polytechnic University of the Philippines
Dati tenement pala yung campus na pinapasukan ng libo-libong estudyante ngayon na kinabibilangan ko. PUP was named PCC years before. Philippine College of Commerce. Maraming involved na naging panangalan dito bago pa maging PUP ngayon.
Nung high school pa lang ako hanga talaga ko sa PUP. Naaastigan ako sa mga nakikita kong students na nag-aaral don. Naging DREAM SCHOOL ko. Pakiramdam ko henyo lang ang nakakapasa sa katulad nung school. I actually taken the PUPCET to prove myself na kaya kong mapabilang sa kanila, kahit hindi siguradong makakapasa, kasi hindi naman ako henyong tulad nila. Even though Mom told me na dapat mag take din ako ng exams sa ibang Universities, I just don't know why I refused. Nanghihinayang din kasi ako sa Examinations Fee. And Luckily, sa iisang pinagkuhanan ko ng exam, nakapasa ako. My best graduation gift ever in High School was when I received my PUPCET result. Nagtatatalon talaga ako sa tuwa, na typical na sumigaw ng "YES! NAKAPASA KO!"
nag-eexcel ako sa English kaya Bachelor of Arts in English ang napili ko..at 2nd year na ko ngayon.
May mga AKTIBISTANG laging nang-iinvade sa amin pag walang Prof - sa kanila ko nalaman kung ano ang history ng PUP,paano nangungurakot ang gobyerno, , bakit nagrarally, na makisama kapag may walk out, mangboykot ng mga pof., magbasa ng catalyst, na kiosk pala tawag dun sa tambayan ng mga student couples, na mabaho pala talaga ang ilog pasig, na hindi naman totoong hindi sila naliligo, na pinaglalaban nila ang kapakanan ng kapwa nila estudyante, na may freedom of speech lahat ng tao.
Maswerte daw kami dahil nakapasok kami sa PUP - pumapangalawa sa napakagandang STATE UNIVERSITY sa UP - University of the Philippines. OO, maswerte daw kami.. Pati nga mga Professors kino CONGRATULATE lahat ng mga nagiging students nila. Kahit pa daw ang PUP eh nagiging PILA ULIT PILA tuwing enrolment at tatagal ng isang linggo bago mo makuha ang registation file mo.
Marami ng nangyari sa akin dito, Marami na kong nakilalang ibat-ibang klase ng tao: mga naging kaibigan, kaaway, naging crush, kinainisan, nabangga, tinawanan, tinitigan, tinanungan, pinagbilan, kinantyawan, at hiningian.
Marami na din akong natutunan:na ang carnal knowledge pala ay term para sa sex intercourse; para daw maganda yung terminology, na may mga prof na tamad pumasok, kailangan mong bumili ng libro na sila ang author, na dapat binabasa mo naman yung buong libro dahil may quiz kinabukasan, na dapat marunong kang magreport at pati kaliit liitang detalye ng report mo eh alam mo, na ibat iba ang pananaw ng mga professor ko kung ano nga ba ang mas matimbang; pag-ibig o pagmamahal, na si Rizal pala eh nag Mariang palad para mag experiment dahil doktor siya, na dapat daw bumoboto ka dahil isa yun sa karapatan mo, huwag kang aabsent para hindi ka mabigyan ng singko, makikinig ka kung ayaw mong masama ang pangalan mo sa nilelecture ng prof.,
Actually, meron akong isang bagay na nilabag nung sinulat ko toh.
Major rule ng course ko:
DAPAT ENGLISH ANG GINAMIT KO DITO.
PUP - Parating Una Palagi
Una sa kalokohan. Pero di papatalo sa katalinuhan. :)
My school. My pride.
Thursday, June 12, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

0 comments:
Post a Comment